- KOLONISASYON at KRISTIYANISASYON
- Mga Layunin sa Pananakop ng mga Espanyol
- Merkantilismo
- Ito ang kaisipang nagsusulong na ang lakas at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng pilak at ginto nito. Nanguna ang mga bansang Portugal at Espanya sa paghahanap ng mga ito. Ang mgabansang mananakop (mother country) ang nakikinabang sa yaman ng lupaing sinakop (kolonya). Ang mga kolonya ang naging tagatustos ng mga hilaw na materyales na ginagamit ng mga bansang Europeo.
- Sa pagsara ng pasilangang ruta patungong Asya dahil sa mga Turkong Muslim, naghanap ang mga manlalakbay ng pakanlurang ruta. Sa pangunguna ng Espanya at Portugal, nilakbay ng mga ito ang Karagatang Atlantiko. Isa sa mga layunin nito ay upang mapuntahan ang isla ng mgarekado o spices --- Moluccas (Indonesia). Ilan sa mga halimbawa ng panrekado ay paminta, bawang, luya, nutmeg, at cinnamon.
- Ang isa sa mga pinakakilalang manlalayag sa Europa na nakarating sa Asya ay si Ferdinand Magellan. Sakanyang paglalayag ay dala ng kanyangpangkat ang limang barko:
- Trinidad
- San Antonio
- Santiago
- ConcepcionVictoria
- Mga Estratehiya sa Pananakop ng mga Espanyol
Ang ganap na kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas ay natupad lamangni Miguel Lopez de Legazpi. Nagtatag siya ng unang permanenteng pamayanan sa Cebu matapos talunin si Raja Tupas (Abril 1565). Noong Hunyo 24, 1571, itinatag ang Maynila bilang punong-lungsod ng Espanya sa Pilipinas.
- Ang estratehiyang ginamit ng mga Espanyol sa pagsakop ay ebanghelisasyon at kolonisasyon. Ang ebanghelisasyon ay mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ito ay kinakatawan ng krus. Ang kolonisasyon naman ay paggamit ng puwersa at lakas-militar. Ito ay kinakatawan espada.
- Sa paggamit ng mapayapang paraan, napalapit ang loob ng mga Pilipino sa mga dahuyang mananakop. Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino noon bilang di-sibilisado, barbaro, at pagano. Ang mga Pilipino noon ay nakatira sa mga lupaing kaiba sa Espanya kaya’t tinawag na barbaro o di-sibilisado. Tinawag ding infieles o pagano ang mga Pilipino dahil wala silang pinaniniwalaang diyos noon.
- Patakarang Espanyol na Bumago sa Pamayanang Pilipino
Gobernador-heneral ang pinakamataas napinunong Espanyol sa Pilipinas. Ito ang kumakatawan sa hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya ay may kapangyarihang panghukuman, pangmilitar, at panrelihiyon. Siya rin ang presidente ng Real Audiencia o Kataas-taasang Hukuman sa bansa. Ang kapangyarihan bilang tagapagbatas ay hindi hawak ng gobernador-heneral. Ito ay nasailalim ng Consejo de las Indias na nasa Espanya.Pero dahil sa cumplase, binibigyan ang gobernador-heneral ng karapatan na hindi ipatupadang mga batas na pinagtibay ng Consejo de las Indias kapag hindi ito akma sa bansa.
- Sa pamahalaang lokal, alcalde mayor ang namumuno sa mga alcaldia o probinsiya. Nasa ilalim nito ang gobernadorcillo na pinunong pueblo. Cabeza de barangay naman ang tawag sa pinuno ngbarangay. Mayroong mga bayan o probinsya na di ganap na mapayapa. Ito ay tinatawag na corregimiento na pinamumunuan ng corregidor.
- Entrada, Reduccion, at Doctrina
- Ito ay mga patakaran ng Espanyol para mag karoon ng sentro na magsisilbing siyudad ang pamayanang Pilipino. Una, ang entrada ay ginagawa sa paggamit ng lakas-militar para masakop ang mga katutubong komunidad. Pangalawa, ang reduccion ay ang pag-iipon ng mga tao sa iba’t ibang barangay sa iisang sentro na tinatawag na cabecera. Pangatlo,ang mga paring misyoneryo naman ang nagpapatupad ng doctrina. Ito ay paghahandasa pagtatayo ng parokya.
- Sistemang Encomienda
- Encomienda ang tawag sa mgalupaing ipinagkakatiwala ng mga Espanyol samga tao. Ang tawag sa tumatanggap ng encomienda ay encomendero.
- Polo y Servicio Personal
- Ito ay tumutukoy sa sapilitang pagbibigay ng serbisyo para sa hari ng Espanya. Ang mga kalalakihang nasa edad 16-60 ang pilit na pinagtatrabaho sa loob ng 40 araw sa isang taon. Ito ay tinatawag ding prestacion personal.
- Polista
- ang tawag sa mga nagbibigayng serbisyo.
- Tributo
- Ito ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinapataw ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon. Nang tinanggala ang tributo, pinalitan ito ng cedula personal. Ang paniningil dito ay nakabatay hindi saedad kundi sa laki ng kita.
- Patakarang Pangkabuhayan na Bumago sa mga Pilipino
- Ito ang sapilitang pagbebenta ngilang produkto tulag ng niyog at bigas sa pamahalaan. Ang pamahalaan ang nagtatakdasa presyo ng produkto na mas mababa sa orihinal na presyo. Naging kahulugan nitoang pagsamsama ng pamahalaan samga produkto o kalakal.
- Monopolyo ng Tabako
- Sapilitang itinakda ang ilang lugar sa bansa bilang eksklusibong taniman ng tabako. Bilang monopolyo, tanging sa gobyerno lang maaaring ibenta ang mga tabako sa presyong itinakda nito.
- Kalakalang Galleon
- Ito ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico sa pamamagitan ng barkong tinatawag na galleon. Ito ay tinawag ding Kalakalang Manila-Acapulco. Ang Kalakalang Galleon ang naging tagapag-ugnay ng Pilipinas sa Kanluran. Dahil dito, nagkaroon ng pagpapalitan ngmga halaman at hayop sa pagitan ng Silangan at Kanluran.
Hindi pareho ang reaksiyon ng mgaPilipino sa pananakop ng mga Espanyol. Maymga nag-alsa o naglunsad ng rebelyon ngunit mayroon ding sumang-ayon a tnakipagsabwatan. May mga Pilipinong tinanggap nangbuong-buo ang kulturang Espanyol (akulturasyon). May mga Pilipino ringiniangkop ang bagong kultura sa katutubong kulta upang makabuo ng isang panibagong kultura (asimilasyon).
- Mga Pag-aalsa Bilang Pagtutol sa Pananakop
- Iba-iba ang mga pag-aalsang naganap sabansa dahil sa pananakop ng mga dayuhan. Pinamunuan ni Lakan Dula at Sulayman ang pag-aalsa sa Maynila (1574) para hilingin sa mga Espanyol na malibre sila pagbabayad ng buwis. Isang panrelihiyongpag-aalsa naman ang ginawa ni Tamblot sa Bohol (1621) para ibalika ng kanilang mataas na katayuan sa lipunan. At si Bankaw naman ay sinubukang ibalik ang katutubong relihiyon sa Limasawa (1622).
- Si Apolinario de la Cruz o Hermano Pule naman ay nag-alsa sa Tayabas (1841) dahilsa diskriminasyon ng mga prayle sa mga Pilipino sapagpapatupad ng Kristiyanismo. Hindi tinanggap ngmga prayle si De la Cruz bilang pari. Dahil dito,itinatag niya ang kapatiran na Cofradia de SanJose na nakapaghikayat ng mga miyembro. Ang pinakamahabang pag-aalsa naman aypinangunahan ni Francisco Dagohoy ng Bohol.Ito ay dahil tinanggihan ng prayleng bigyan ngKristiyanong libing ang kapatid ni Dagohoy nanamatay sa duwelo. Naganap ang rebelyon noong1744-1829 at tumaggal ng 85 taon.
- Pagtutol ng mga Muslim
- sa Pananakop Ang higit na organisadong pamahalaangsultanato ng Muslim ang tumakot sa mga Espanyolpara hindi agad sakupin ang Mindanao. Hindi rinnaging priyoridad ng mga Espanyol na sakupin angmga katutubong nakatira sa kabundukan. Tinawag ng mga Espanyol ang mga Muslimnilang moro o moors. Sinimulan nila ang pagsakop saSulu (1578) at sinunod naman nila ang Maguindanao(1579). Nang matalo ang pinuno ng mga Muslim(Datu Dimacasnay at Buisan) ay napilitan silangmakipagkasundo sa mga Espanyol.
- Kawalan ng Diwang Makabansa:
- Sanhi ng Kabiguan Higit sa 300 pag-aalsa ang nagawa ng mga Pilipino sa bansa. Kawalan ng pambansang pagkakaisa ang sanhi ng pagkabigo ng mga Pilipino. Hindi pa nagigising ang damdamin ng nasyonalismong Pilipino. Karaniwang pansarili, pangrelihiyon, at pamprobinsiya lang ang dahilan ng mga pag-aalsa. Bunga nito, maituturing lamang na patriotismo o pagmamahal sa partikular na lugar ang nagbuklod sa pag-aalsa at hindi pa matatawag na makabansa o nationalist. Ang ilan sa mga patriot ay sina Dagohoy, Diego Silang, at Lapu-lapu.
REBOLUSYONG PILIPINO
- Ang Rebolusyong 1896 (Unang bahagi ng rebolusyon) Mga layunin Sa sesyong ito, inaasahang makamit ang mga sumusunod:
- Matukoy at maitala ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kasarinlan;
- Mailista ang mga naging suliranin ng mga Pilipino noong panahon ng pakikipaglaban o rebolusyon;
- Mabigyang halaga ang pagtataya ng ginawa ng mga Pilipino upang maipaglaban ang kasarinlan ng bansa.
- Mabigyang halaga ang katangian ng lider sa tagumpay ng kanyang pamumuno tungo sa pag-angat ng kanyang pamunuan.
- Ang Rebolusyong 1896 (Unang bahagi ng rebolusyon)
- WORKPLAN
- Routines / Paalala
- Pagganyak
- Malayang talakayan
- Pagtatali
- Paglalagom
- Ang Rebolusyong 1896 (Unang bahagi ng rebolusyon) Timeline Pagganyak Pagkatuklas sa Katipunan Mga Unang Pakikipaglaban Ang Katipunan sa Cavite Ang Pulong sa Tejeros Paglilitis kay Bonifacio Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato Paglalagom
- Pagganyak
- Ang Pagkatuklas sa Katipunan (Unang bahagi ng rebolusyon) Resulta ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang Katipunero Teodoro PatiƱo at Apolonio de la Cruz Diario de Manila (isang limbagan) Patino -> Honoria -> Padre Mariano Gil Agosto 19, 1896: Isiniwalat ni Patino kay Padre Gil ang kanyang nalalaman ukol sa Katipunan
- Ang Pagkatuklas sa Katipunan (Unang bahagi ng rebolusyon) Emergency Assembly Agosto 24, 1896: Pulong sa Balintawak, Caloocan ___ Agosto 21, 1896: Change of code Agosto 23, 1896: Sigaw ng Pugadlawin “ Mabuhay ang Pilipinas!”
- Mga Unang Pakikipaglaban (Unang bahagi ng rebolusyon) Agosto 30, 1896: Pagsalakay sa Polvorin, San Juan del Monte (pinagkunan ng armas) Pagpapakulong at pagpapapatay ng mga prominenteng Pilipino Martial law (inihayag ni Gov. Gen. Ramon Blanco): Maynila, Laguna, Bulacan, Batangas, Cavite, Pampanga, Tarlac, and Nueva Ecija. Pagpapatay kay Dr. Jose Rizal
- Ang Katipunan sa Cavite (Unang bahagi ng rebolusyon) Ang kagitingan ni Aguinaldo (Pangkat Magdalo) Naging tanyag sa pagkakapanalo niya sa Labanan sa Imus (Setyembre 5, 1896) Kinilala hindi na bilang kapitan subalit bilang heneral Miong Mga naging suliranin sa Cavite: Ang Alitan ng Pangkat Magdalo at Magdiwang Ang Pagbuhos ng Atensyon ng Mga Kastila sa puwersa ng Cavite
- Ang Pulong sa Tejeros (Unang bahagi ng rebolusyon) Ang Katapusan ng Katipunan Marso 22, 1897: Layuning talakayin kung paano dedepensahan ang Cavite Subalit sa halip mas napagkasunduan ang halalan ng mga pinuno Mga nahalal: Emilio Aguinaldo bilang Pangulo Andres Bonifacio bilang Kalihim ng Interior Pagprotesta ni Daniel Tirona (isang Magdalo) Watawat ng Magdalo Watawat ng Magdiwang
- Ang Naic Military Agreement (Unang bahagi ng rebolusyon) We who sign these presents with our true names, all officers of the army who have met in convention headed by the Supreme Chief [ Bonifacio ], on account of the critical situation of the pueblos and the war, having discovered the treason committed by certain officers who have been sowing discord and conniving with the Spaniards, our enemies, corrupting the army and being guilty of criminal neglect in the care of the wounded, have agreed to deliver the people from this grave danger by the means hereinafter enumerated: First: All combatants shall, by persuasion of force, be incorporated in an army corps and placed under the command of General Pio del Pilar . Second: We shall recognize no one as being vested with full power except Right in the first place, and those courageous officers who, since the beginning of the war and until the present moment, have never gone back on their oath and have conducted themselves loyally. Third: Any disloyal person shall be punished on the spot, according to his desserts. Such is our agreement, and we swear before God and the country of our birth that we shall keep it unto the grave. Hindi pagkilala sa nangyaring pulong sa Tejeros Pagkilala kay Bonifacio bilang pinuno ng rebolusyon
- Ang Paglilitis kay Bonifacio (Unang bahagi ng rebolusyon) SEDISYON Andres at Procopio Paglilitis: 29 Abril – 4 Mayo, 1897 Pagpatay bilang sentensya: Naganap noong 10 Mayo 1897 sa Mt. Tala, Maragondon, Cavite Isinagawa ni Major Lazaro Makapagal
- Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato (Unang bahagi ng rebolusyon) Biyak-na-Bato - Negotiations 1897 Front row (ltr): Pedro Paterno and Emilio Aguinaldo Back row: Tomas Mascardo, Celis, Jose Paua, Antonio Montenegro, Mariano Llanera
- Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato (Unang bahagi ng rebolusyon) To the Brave Sons of the Philippines Expulsion of the friars and the return to the Filipinos of the lands they appropriated for themselves. Representation in the Spanish Cortes, freedom of press, and tolerance of all religious sects. Equal treatment and pay for peninsular and insular civil servants and abolition of the power of the government to banish citizens. Legal equality for all persons.
- Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato (Unang bahagi ng rebolusyon) Kasunduan (Gov.Gen. Primo de Rivera at Hen. Aguinaldo) Kasulatan ng Nobyembre 18, Disyembre 14 at Disyembre 15 Paglisan ni Aguinaldo at mga kasamahan sa Hong Kong Pagsuko ng mga armas ng mga Pilipino Pagbabayad ng P800, 000 ng pamahalaang Espanya Pagbabayad ng P900, 000 sa mga pamilyang hindi lumahok sa digmaan subalit napinsala ng Digmaang Filipino-Espanyol Pedro Paterno
- Paglalagom
- (Unang bahagi ng rebolusyon) Sino sa dalawang pinuno ang nagpakita ng pagtataya para sa kapakanan ng bansa? Mahalaga ang pagtataya sa isang pinuno. Ipinakita ito nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo sa pamamagitan ng kanilang pag-aalay ng sarili sa magkaibang paraan.
- Paglalagom
- (Unang bahagi ng rebolusyon) Ano ang pangunahing katangiang pampinuno ang ipinakita ng dalawa? Mahalaga ang katangian ng lider sa tagumpay ng kanyang pamumuno tungo sa pag-angat ng kanyang pinamumunuan
NASYONALISMONG PILIPINO
PAGBABAGO SA EKONOMIYA NOONG IKA-
19 NA SIGLO BUNGA NG PAGBUBUKAS NG PILIIPINAS SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN
Ang
Rebolusyong Industriyal ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buong mundo. Ang
paggamit ng mga makina ay nagbunga ng maramihang paglikha ng kalakal kaya naman
naging matindi ang pangangailangan ng mg hilaw na materyales at pamilihan para
sa niyaring kalakal ng mga industriyalisadong bansa. Ang merkantilismo ay naging
hadlang sa malayang pangangalakal ng mga industriyalisadong bansa sa iba’t
ibang bahagi ng mundo. Ipinagbabawal ang pangangalakal ng ibang bansa sa mga
kolonyang pagmamay-ari ng isang mananakop ayon sa pilosopiya ng merkantilismo.
Ang
pagbubukas ng mga bagong kolonya ang tanging solusyon upang malunasan ang
suliranin sa kaulangan ng hilaw na materyales at pamilihan ng mga niyaring
kalakal. Dito isinilang ang pilosopiyang pang-ekonomiya na kapitalismo na hango
sa kaisipang laissez faire na
sinimulan ng pilosopong ekonomistang si Adam Smith. Ipinagbabawal nito ang
panghihimasok ng pamahalaan sa mga pribadong mamamayan sa pagnenegosyo at
pangangalakal. Kabaliktaran ng kapitalismo ang merkantilismo.
Tatlong mahahalagang patakaran ang ipinatupad
sa pagpasok ng Pilipinas sa kapitalismo. Ang una ay ang pagpapahinto ng
kalakalang Galleon noong 1815 na simbolo ng pag-iral ng merkantilismo sa bansa.
Ang pangalawa ay ang opisyal na pagbukas ng Maynila sa pandaigdigang kalakalan
noong 1860. Pagkatapos nito ay naging sunod sunod na ang pagbubukas ng iba pang
daungan sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.
Nagbigay
daan ito sa matinding pangangailangan sa mga pananim na panluwas o export crops
at ng isang bagong ekonomiya sa Pilipinas, ang cash crop o export crop economy.
Ang buong ekonomiya ng Pilipinas ay nakadepende sa pagtatanim, pagluluwas, at
pangangalakal ng ilang piling agricultural sa ibang bansa.
PAGBABAGO SA LIPUNAN BUNGA NG
PAGBUBUKAS NG BANSA SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN AT EKONOMIYAG CASH CROP
Nagsimulang
makontrol ng ibang bansa ang takbo ng ekonomiya sa pagbukas ng Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan. Ang naging direksyon ng ekonomiya at pag-unlad ng
bansa ay ang pagtatanim at pagluluwas ng cash crop. Napabayaan ang
industriyalisasyon nang dahil sa patuloy na pagsandal ng bansa sa pagtatanim at
pagluluwas ng cash crop kaya naman umasa na lamang ang Pilipinas sa mga
niyaring kalakal o manufactured goods na nagmula sa mga industriyalisadong
bansa.
Ang
pag-unlad sa impraestruktura at teknolohiya ay isa sa mga mabubuting naidulot
ng pagpasok ng bansa sa pandaigdigang kalakalan. Nagkaroon ng elektrisidad,
telepono, telegrapo, at maging ng tren sa transportasyon. Ang pag-unlad na ito
ay dahil sa inisyatibo ng mga pribadong negosyante at hindi dapat na
ipagpasalamat ito sa mga Espanyol. Tuluyan nang nawalan ng kontrol ang Espanya
sa ekonomiya ng Pilipinas sa pagpasok ng bansa sa pandaigdigang kalakalan.
Kayamanan
ang naging bagong batayan sa pag-uuri ng tao sa lipunan. Nang dahil sa kanilang
pagiging kolonyalista, nanatili ang mga peninsulares at insulares sa itaas
subalit sa larangan ng yaman at edukasyon, nahigitan na sila ng isang
panibagong uring nabuo na tinatawag na clase media o panggitnang-uri matapos
ang pagpasok ng bansa sa pandaigdigang kalakalan. Ang mga uring ito ang
pangunahing nakinabang sa ekonomiyang cash crop at nagmamay-ari o nagrerenta ng
malalawak na hacienda. Hangad nila na makapantay sa mga peninsulares at
insulares at magkaroon ng kalayaan at karapatang political na tanging mga Espanyol
lamang ang nagtatamasa sa Pilipinas. Napag-aral nila ang kanilang mga anak sa
mga unibersidad sa Maynila at sa Europa. Ilustrado ang tawag sa mga Pilipinong
nakapag-aral sa mga unibersidad at kalaunang nanguna sa pagtatayo ng Kilusang
Propaganda o Repormista. Layunin ng kilusang ito na magkaroon ng
pagkakapantay-pantay lalo na sa pagtatamasa ng mga karapatan at kalayaang
political sa Pilipinas tulad ng nararanasan ng mga mamamayan sa Europa.
MGA PANGYAYARI AT SALIK NA
NAGBIGAY-DAAN SA PAG-USBONG NG NASYONALISMO NG MGA PILIPINO
Noong
ika-18 dantaon nagsimula ang kaisipang nasyonalismo o pagkamakabansa sa Europa.
Ang mga pangyayari noong ika-19 dantaon at kalayuan ng Europa sa Pilinas ang
naging salik sa pagsilang at pagkabuo ng damdaming makabansa o nasyonalismo ng
mga Pilipino.
Lalo
pang napabilis ang pagpasok sa bansa ng mga kasipang liberal ng binuksan ang
Suez Canal noong 1869. Pinaigsi ng pagbubukas ng Suez Canal ang paglalakbay
mula Europa patungong Pilipinas kaya naman naging madali para sa mga Europeo,
aklat at iba pang babasahin na nagsusulong ng kaisipang liberal at
rebolusyonaryo na marating ang bansa. Nagsimulang mamulat ang ilang Pilipino sa
mga kaisipang liberal kahit na ipinagbabawal ang pagbabasa ng mga babasahing
ito. Hindi lamang sa mga babasahin at balita mula sa ibang bansa nakuha ng mga
Pilipino ang matinding hangarin na magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas kundi
pansamantalang naranasan nila ito sa ilalim ng pamamahala ng liberal na
gobernador-heneral na si Carlos Maria De la Torre mula 1869 hanggang 1871.
Nagkaroon ng mga pagbabago sa lipunan tulad ng pagbabawas kontrol ng mga prayle
sa edukasyon at pagtanggal ng di-makataong pagpaparusa.
Humingi
ng reporma ang mga paring sekular kay De la Torre na ilipat sa kanila ang
kapangyarihang mamahala sa parokya mula sa paring regular. Ikinabahala ito mga
paring regular pero hindi nagkatotoo ang kanilang pangamba dahil pinalitan si
De la Torre bilang gobernador heneral ni Rafael izquierdo noong 1871. Ang
pamunuan ni Izquierdo ay muling nagbalik sa malulupit at di-makataong
pamamahala ng Espanya
Panandalian
lamang ang liberal na pamamahala ni De la Torre subalit naging napakalaki ang
naging epekto nito sa pagkamulat ng mga Pilipino bilang isang bansa.
ANG PAGSILANG NG NASYONALISMONG
PILIPINO
Ang
kamatayan ng GomBurZa ang naging hudyat sa pagsilang ng nasyonalismong
Pilipino. Ang pagiging pari ng GomBurZa ang nagpukaw sa damdamin ng mga
Pilipino sa buong bansa sa kawalan ng katarungan. Ipinakita ng pagpatay sa
GomBurza na maging mga pari ay hindi ligtas sa kalupitan ng mga espanyol. Naniniwala
ang mga Pilipino na walang kasalanan at biktima lamang ng kalupitan ng mga
Espanyol ang tatlong pari. Ang paniniwalang ito ang di sinasadyang nagmulat sa
iba pang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Ang pagkamulat na ito ang
nagbigay daan upang magkaisa ang lahat ng Pilipino bilang isang bansa at lahi
para labanan ang may gawa at ugat ng kanilang paghihirap at kaapihan.
Ang
nasyonalismong nalinang ng mga Pilipino ay natatangi. Pinagkaisa ang mga
Pilipino sa buong kapuluan ng paniniwalang sila’y magkakauri at kabilang sa
isang grupo o komunidad ng mga tao na tinatawag na bansa o nasyon.
Maituturing
na pangunahing katangian ng nasyonalismong sumibol sa Pilipinas ang pagiging
antikolonyal o pagiging laban nito sa pananakop ng mga dayuhan. Ang paglaban at
pagpapatalsik sa mga kolonyalistang Espanyol ang unang hakbang lamang tungo sa
ganap na pagkakaisa at kaunlaran ng mga Pilipino bilang isang bansa.
ANG NASYONALISMO NG KILUSANG
PROPAGANDA AT KATIPUNAN
Napilitang
lumikas ang mga liberal na Pilipino at Espanyol na tagasuporta ng Kilusang
Sekularisasyon matapos ang pagbitay sa GomBurZa upang makaiwas sa pag-aresto at
pagpapatapon ng pamahalaan. Panandaliang nanahimik ang kilusan ngunit pagsapit
ng 1892, isang panibagong kilusan ang itinatag sa Europa ng mga ilustradong
mag-aaral.
Ang
kilusan ay tinawag na Kilusang Propaganda o Kilusang Repormista na binubuo ng
mga mag-aaral na Pilipino at ilang Espanyol. Higit itong agresibo at pambansa
ang ipinaglalabang layunin ng Kilusang Propaganda kaysa mga naunang kilusan. Asimilasyon
o ang pagiging probinsya ng Pilipinas ng Espanya ang pangunahing layunin ng
Kilusang Propaganda.
Naging
estratehiya ng Kilusang Propaganda ang paggamit ng mapayapang paraan upang
matamo ang kanilang mga layunin. Pagsusulat ang pangunahing instrumento sa
paglaban ng kilusan. Gumamit ang mga kasapi ng Kilusang Propaganda ng sagisag
ng-pangalan sa kanilang pagsusulat. Layunin nitong maitago ang kanilang tunay
na katauhan upang mapangalagaan ang kani-kanilang mga pamilyang naiwan sa
Pilipinas.
Ang
Kilusang Propaganda ay nabigong matamo ang isa sa mga layunin nito subalit
nagawa naman nilang maiparating sa pamahalang Espanya ang mga karaingan at
pagbabagong hinahangad ng mga Pilipino, maimulat ang mata hindi lamang mga
opisyal kundi maging ilang mamamayang Espanyol sa kaapihan dinaranas ng mga
Pilipino, at nakuha din nila ang suporta ng ilang Espanyol at dayuhan tulad
nina Miguel Morayta at Felipe de la Corte.
Maraming
maituturing na dahilan sa kabiguan ng Kilusang Propaganda. Kakulangan sa pondo
at kawalan ng pagkakaisa ng mga miyembro nito, at wala rin sa tamang panahon
ang pagkilos ng mga kasapi ng kilusan sa Espanya. Dahil din sa limitadong
layunin ng kilusan, hindi nila nakuha ang suporta at pagkakaisa ng masang
Pilipino. Bunga nito , nanatili ang Kilusang Propaganda na pagkilos lamang ng
panggitnang uri ar nakaririwasang Pilipino.
Isa
namang lihim na kilusan ang tinatag sa Tondo, Maynila noong Hulyo 7, 1892. Ang
kilusang ito ay ang kataas-taasan, kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan. Higit na nakilala ang kilusang ito sa pangalang Katipunan o KKK. Ang
mithiin nito ay kalayaan o paghihiwalay ng bansang Pilipinas mula sa Espanya,
layuning moral at layuning pansibiko. Naniniwala ang mga kasapi ng Katipunan na
tanging sa pamamagitan ng rebolusyon o armadong pakikibaka matutupad ang
layuning kalayaan ng mga Pilipino. Hangad din nito ang pagbabago sa kalooban ng
bawat Katipunero.
Ang
‘Kartilla ng Katipunan” ang nagsilbing gabay sa mga kasapi ng katipunan na
isinulat ng tinaguriang “Utak ng Katipunan” na si Emilio Jacinto. Ang Katipunan
ang maituturing na rurok sa pagkabuo at pag-unlad ng nasyonalismong Pilipino sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ang ipinakitang katapangan, dedikasyon,
at pagsakripisyo ng mga Katipunero ang naging pundasyon sa pagwawakas ng 333
taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.